Panawagan sa Lahat

Isang maligayang pagbati sa inyong lahat – kayong kasalukuyang nagbabasa ng dalawang manifesto sa website na ito.

Hindi lingid sa ating kaalaman ang mga pangyayari ngayon sa AMA Makati. Isang guro ng College of Business Administration and Accountancy ang tinanggal ng management na hindi man lang dumaan sa tamang proseso at kung saan ang mga datos ay minanipula ng iilang ganid na mga opisyal ng kolehiyo. Hindi ito ang unang pangyayari sa AMA kung saan, matapos pagtrabahuin ang mga instructors ay kanilang tatanggalin at ni isang kusing ay walang makukuha. Isa itong malaking paglabag sa karapatan ng mga guro na tumanggap ng sahod sa pinagpaguran nila.

Nakalulungkot isipin na ang katulad ni Mr. Alonzo ay hinayaang mawala sa AMA Makati. Hindi ba sila naaawa sa mga estudyante na unang-unang pundasyon ng eskwelahan? Hanggang ngayon ay wala pa din silang teachers sa mga naiwang subjects ni Mr. Alonzo. Patapos na ang finals at tila magiging isang panaginip na lang ang lahat.

Nanawagan kami sa lahat ng mga estudyante, guro at mga empleyado ng AMA Makati na magtulungan para sa ikabubuti ng kolehiyo. Panahon na para gumising tayo sa mahimbing na pagkakatulog. May magagawa pa tayo.

Kay butihing pangulo ng AMA Education System na si Dr. Amable C. Aquiluz, nananawagan po kami na maisaayos ang problemang ito sa AMA Makati. Naniniwala po kami na kayo lamang ang makakatulong para maresolba ang krisis na to. Wala na po kaming tiwala sa School Director dito na si Ms. Marietta Sicat. IT IS TIME FOR HER TO STEP DOWN FROM HER POSITION – RESIGN!

Sa lahat, naniniwala kami na may pag-asa pa. Tulong-tulong po tayo para sa ikabubuti ng AMA Makati. Mabuhay!

4 Responses

  1. sa darating na 8.08.2008 tau ay magsamasama para sa katarungan para kay Mr. ALONZO kailangan ng umaksyon nanawagan kame sa lahat ng mga guro estudyante kung maari mag suot ng ITIM para simbulo ng pagkamatay ng hustisya at kawalang aksyon ng ADMIN ng AMA…. magsamasama tau dahil kung HINDI NGAUN, HINDI BUKAS KAILAN PA MATATAPOS ANG PROBLEMA NG ATING PAARALAN….. inuulit ko 08.08.2008 magitim tau mga kasama……

  2. Oust Gloria!!!!!!!!

  3. Gagawin ko n ito simple!!!Tanggalin nio na si Ulysees Francisco dahil sa panggogoyo nia sa mga estudyante!!!Ung mga opisyal ng paaralan n iyan na hindi gumagawa ng aksyon sana gumawa n kayo ng paraasn ukol dito o kami ang gagawa para aksyunan kayo…Huyan niyo hintayin n mag-rally ang mga estudyante laban sa inio.Sa mga nakaraang isyu eh masyado n kayo abusado.Umayos n kayo ngayon at huwag nio na ipag-paliban!!!Kung ayaw nio lumabas sa XXX,eh magbago n kayo!!!Kung gs2 nio malala,kaso harapin nio at mas mabuti kung kaharap nio n ung tarangkahan ng mga selda nio!!!

  4. Tell your children and grand children and their children’s children not to ENGAGE, ENDORSE and EMPHASISE any AMAble related Bunsiness nationwide and abroad!!!

    AMA BULOK!!! AMA BULOK!!!

    Logo nila sa basketball!!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: